Saturday, December 6, 2008

Nasan ka na?

Salamat po sa isang araw na nagdaan. Hindi man ito naging masayang araw sa amin ay alam ko na may mabuting bagay na nagaabang para sa amin. Hindi ko po alam kung ano yun oh kelan pero nakasisiguro ako lahat ng bagay na nangyayari ngayon ay parte ng buhay na ibinigay mo po sa amin. Magpapakatatag ako katulad ng dati katulad ng pagpapakatatag niya para sa amin. Patnubayan niyo po siya ng hindi mapahamak at iuwi sa amin ng ligtas. Mahal po namin siya ano man ang mangyari.