Saturday, December 6, 2008

Nasan ka na?

Salamat po sa isang araw na nagdaan. Hindi man ito naging masayang araw sa amin ay alam ko na may mabuting bagay na nagaabang para sa amin. Hindi ko po alam kung ano yun oh kelan pero nakasisiguro ako lahat ng bagay na nangyayari ngayon ay parte ng buhay na ibinigay mo po sa amin. Magpapakatatag ako katulad ng dati katulad ng pagpapakatatag niya para sa amin. Patnubayan niyo po siya ng hindi mapahamak at iuwi sa amin ng ligtas. Mahal po namin siya ano man ang mangyari. 

Sunday, November 16, 2008

Facebook account!

add me up guyz!
gumawa ako ng face book account kasi nakakabadtrip ang friendster eh...hehe...ayun lang...so add na!! 

gamzter@gmail.com

Saturday, October 11, 2008

Pass D' Msg na bukas!!!

sobrang excited na ako para bukas...as in! medyo kabado kasi unang beses namin maghhost ng ganitong gawain...pero syempre Go dahil naniniwala ako na this is the appointed season to pass d msg!! haayy mukhang dami kaming bisita...pero sana maging maayos ang lahat..naeexcite na din ako kay ms.piggy kasi wala pang nakakakilala sa kanya...kami pa lang ng execom...hehe...sobrang nakakablessed itong gawain na ito...hindi pa nagsisimula eh sunod sunod na ang blessing sa akin...may mga problema din na hindi talaga maiiwasan pero positive pa din kami sa magiging takbo nito...may oras lang na minsan pinanghihinaan ako pero dahil na din siguro sa patience at trust kay God na magiging maayos lahat ng ito eh nakakaraos din....basta whatever happens..tuloy na tuloy to at walang makakapigil sa muling pag sindi ng sulo ng Kabanatang sulo!!!

Shalom!!

Saturday, October 4, 2008

Plurk


i'm plurking right now and loving it!

well para lang siyang mini blogging...as in parang memo lang na may timeline tapos pwede din magcomment friends mo or yung mga followers mo....sobrang simple lang siya...tapos ang cute pa ng layout ng site...plus pwede ka din mag post via phone...piso per text tapos pag naka unli ka libre syempre....(pero nakakalungkot lang kasi hindi ko pa magawa yun)...

pero hindi talaga yung plurk ang gusto ko i-share sa blog na ito....wala lang...feel ko lang ulit magsulat....dami din mga kaganapan sa buhay ko nitong nagdaang september....

unahin ko na zamora day...na sobrang saya na event...para sa alaala ni Nicholas Zamora na nagtatag ng mahal kong IEMELIF....etong month din kinuha ni God ang dad ni aby and sobrang nakikiisang damdamin ako sa kanilang pamilya sa kaganap na ito na hindi natin mapipigilan....pero natutuwa ako sa kanila dahil hindi ito naging hadlang sa kanila para mawala sa paglilingkod...nakapunta pa ako sa isa sa gabi ng lamay at dun tumambay hanggang umaga...may gig kasi yung mga kasamahan ng dad ni aby...sobrang gagaling nila...as in professional na mga musikero....walang sinabi sila jimmy bondoc, paolo santos at iba pang sikat na gitarista....as in...indescribable...haha...ayun...after nun may malungkot din na nagyari....pero siguro hindi ko na i-sshare dito yun....something na personal at mas mabuting sa sarili ko na lang at wag ipangalandakan sa cyber space!...hehe....ayun....

October na...lapit na pasko!

Shalom!

Sunday, September 14, 2008

Zamorista

Sobrang espesyal ang araw na ito sa lahat ng kaanib sa IEMELIF dahil ito ang kaarawan ng founder ng IEMELIF na si Nicholas Zamora...Siyempre hindi ko na ikkwento ang history kung paano niya natatag ang IEMELIF pero ang masasabi ko lang eh bukod sa kauna-unahang indegence church ito sa pilipinas ay pinapatunayan lang ng IEMELIF na kaya ng Pinoy na tumayo sa sariling paa kahit na walang tulong mula sa mga dayuhan....napaka historical ng church na ito...at ako'y nagagalak na isa ako sa kaanib nito....Hindi man perpekto ang organisasyon na ito ay naniniwala ako na hindi pinapabayaan ng Diyos na mabuwag ito at tuluyang mawala sa kabila ng pagsulpot ng mga magagandang church communities sa paligid..

Mabuhay ang IEMELIF!

Sunday, September 7, 2008

Let us pass 'd msg!

sa wakas ay masisimulan na namin ang "pass'd msg" fellowship ng kabanatang sulo...matagal na din namin itong pinagplaplanuhan...i hope na maging succesfull itong gawain na ito...magiging triple treat yun dahil 1st anniversary din ng KS band plus revival ng Kabanatang sulo sa ika-75 years nito! galing talaga...Para kay Hesus ang lahat ng ito...Shalom!

Saturday, September 6, 2008

Red Crosser

sobrang saya mag-training sa red cross QC Chapter...kahapon yung last day namin at ngkaroon kami ng MCI...meaning parang isang disaster ang nagyari at siyempre ililigtas namin mga tao...isa ako sa naging first aider...ang trabaho ko lang ay siyempre bigyan ng first aid ang mga victims...ayun...dami dugo at ang kukulit ng mga bystanders...after ng simulation ay nagkaroon kami ng buddle fight at first time ko nagawa yun...then a mini graduation kung saan binigay samin ang aming certificate of attendance sa first aid...next time na daw ibibigay yung sa BLS at pati mga lisensya namin....ayus!! may madadagdag na ako sa Resume ko...sobrang enjoy talaga...nag-iisip nga ako kung magvvolunteer din ako sa Red cross...kac mukhang magandang experience yun at madami din sila ituturo sa akin...well saka ko na muna pag-isipan yun...sa ngayon concentrate pa sa church para sa centennial...^^

Monday, September 1, 2008

First day at Red Cross

finally...my very first nursing related activity na nagawa ko since nung grumaduate ako almost a year ago..haha....nakakamiss din kahit na simpleng first aid training lang ito...medyo narerecall ko lahat ng naging topics nung nstp pa namin at pati yung blood circulation na sobrang kabisado ko lalo na ng mga duty days....medyo hindi lang ako nguumepal dahil sa sobrang dami namin sa classroom...150! yup 150 kami sa isang classroom sa red cross Q.C. chapter at na-late pa kami ni joy dumating kaya sa kasamaang palad ay nasa pinakalikod kami at hirap pa sa upuan dahil sobrang liit ng space...but still enjoy ang lectures at activities nitong first day....grabe puro buhatan pa ang ginawa namin...medyo nakakapagod...im sure mararamdaman din ni joy yun dahil ako binubuhat niya...haha...kulit kasi...may nakilala naman din kami na new friends at im sure bukas mas marami pa ako makikilala dahil magkakaroon kami ng seating arrangement(alphabetical order) so meaning mapupunta ako sa bandang harap...sana...sobrang kulit pa ng mga instructor namin kaya no dull moments...unting antok lang dahil hindi pa sanay gumising ng maaga...ayun na nga....sana sa mga susunod pang araw ay mas maging masaya at madami akong matutunan ulit...madami na din kasi ako nakalimutan at kinakalawang na talaga ang mga nursing terms ko...hehe....Truly God is great dahil binigay niya sa akin ang araw na ito na punong puno ng pagpapala at saya....Shalom!

Monday, August 25, 2008

Skating sa MOA!


last week pa lang ay nagkayayaan ang mag-pipinsan na mag-skating sa MOA...hanggang pati ang ibang churhmates namin ay inaya na din namin...at kanina lang ay nasakatuparan ang lakad na ito...sobrang saya pala mag-skating...1st time ko kanina at sobrang natuwa ako ng matuto ako...1st hour ko sa rink ay medyo hirap na hirap ako gumalaw pero after ng mga ilang oras...naging madali na para sa akin gumalaw at magliwaliw sa buong skating rink...astig talaga...hindi pa ako bumagsak kahit isang beses sa 4 na oras naming pag-sskating...hehe...masakit nga lang sa paa at medyo mabaho yung skating shoes...hehe...(hindi naman amoy paa...amoy hindi natuyong sapatos lang)...natutuwa ako sa experience na ito dahil bukod sa minsan lang ito eh may bago na akong skill na alam...ang pag-iiskating!hehe...Shalom!

Friday, August 15, 2008

More! More! More!

1:24 am na at masakit pa din ang binti ko....haayy astig ang Sonic Flood...basta para talaga kay God eh masaya...i know God is with us!! kulet ng sonic flood...lalo na pianista...hehe...ang harot pero the best talaga...ang saya pa lalo na nung tinugtog nila ang "i coul sing of your love" in reggae version....the best....nakakatouch yung "here i am to worship"...haayy..mukhang may ipakakanta na kami para sa sunday...hehe...pahinga na nga ako...God Bless!!

Wednesday, August 13, 2008

Sonic Flood in Manila

Excited na ako para bukas...concert ulit....sonic flood naman at dami ako alam na kanta nila....mas magiging masaya ang pagpupuri kay God...dami pa namin manonood....im sure God will be with us tomorrow night!

Monday, August 4, 2008

Truly Indescribable!

Truly there is no one like our God...He is indescribable...So much Blessings....amazing grace....unending love....God is Alive!!

Passion Manila

Wow! the best talaga ang passion team...sobrang galing at nakakablessed ang event na yun...maraming tao ang dumating at nakiisa sa pagtataas ng pangalan ni Lord!
wala na ako masabi....wow wow wow talaga!