Saturday, October 11, 2008

Pass D' Msg na bukas!!!

sobrang excited na ako para bukas...as in! medyo kabado kasi unang beses namin maghhost ng ganitong gawain...pero syempre Go dahil naniniwala ako na this is the appointed season to pass d msg!! haayy mukhang dami kaming bisita...pero sana maging maayos ang lahat..naeexcite na din ako kay ms.piggy kasi wala pang nakakakilala sa kanya...kami pa lang ng execom...hehe...sobrang nakakablessed itong gawain na ito...hindi pa nagsisimula eh sunod sunod na ang blessing sa akin...may mga problema din na hindi talaga maiiwasan pero positive pa din kami sa magiging takbo nito...may oras lang na minsan pinanghihinaan ako pero dahil na din siguro sa patience at trust kay God na magiging maayos lahat ng ito eh nakakaraos din....basta whatever happens..tuloy na tuloy to at walang makakapigil sa muling pag sindi ng sulo ng Kabanatang sulo!!!

Shalom!!

Saturday, October 4, 2008

Plurk


i'm plurking right now and loving it!

well para lang siyang mini blogging...as in parang memo lang na may timeline tapos pwede din magcomment friends mo or yung mga followers mo....sobrang simple lang siya...tapos ang cute pa ng layout ng site...plus pwede ka din mag post via phone...piso per text tapos pag naka unli ka libre syempre....(pero nakakalungkot lang kasi hindi ko pa magawa yun)...

pero hindi talaga yung plurk ang gusto ko i-share sa blog na ito....wala lang...feel ko lang ulit magsulat....dami din mga kaganapan sa buhay ko nitong nagdaang september....

unahin ko na zamora day...na sobrang saya na event...para sa alaala ni Nicholas Zamora na nagtatag ng mahal kong IEMELIF....etong month din kinuha ni God ang dad ni aby and sobrang nakikiisang damdamin ako sa kanilang pamilya sa kaganap na ito na hindi natin mapipigilan....pero natutuwa ako sa kanila dahil hindi ito naging hadlang sa kanila para mawala sa paglilingkod...nakapunta pa ako sa isa sa gabi ng lamay at dun tumambay hanggang umaga...may gig kasi yung mga kasamahan ng dad ni aby...sobrang gagaling nila...as in professional na mga musikero....walang sinabi sila jimmy bondoc, paolo santos at iba pang sikat na gitarista....as in...indescribable...haha...ayun...after nun may malungkot din na nagyari....pero siguro hindi ko na i-sshare dito yun....something na personal at mas mabuting sa sarili ko na lang at wag ipangalandakan sa cyber space!...hehe....ayun....

October na...lapit na pasko!

Shalom!