Sunday, September 14, 2008

Zamorista

Sobrang espesyal ang araw na ito sa lahat ng kaanib sa IEMELIF dahil ito ang kaarawan ng founder ng IEMELIF na si Nicholas Zamora...Siyempre hindi ko na ikkwento ang history kung paano niya natatag ang IEMELIF pero ang masasabi ko lang eh bukod sa kauna-unahang indegence church ito sa pilipinas ay pinapatunayan lang ng IEMELIF na kaya ng Pinoy na tumayo sa sariling paa kahit na walang tulong mula sa mga dayuhan....napaka historical ng church na ito...at ako'y nagagalak na isa ako sa kaanib nito....Hindi man perpekto ang organisasyon na ito ay naniniwala ako na hindi pinapabayaan ng Diyos na mabuwag ito at tuluyang mawala sa kabila ng pagsulpot ng mga magagandang church communities sa paligid..

Mabuhay ang IEMELIF!

Sunday, September 7, 2008

Let us pass 'd msg!

sa wakas ay masisimulan na namin ang "pass'd msg" fellowship ng kabanatang sulo...matagal na din namin itong pinagplaplanuhan...i hope na maging succesfull itong gawain na ito...magiging triple treat yun dahil 1st anniversary din ng KS band plus revival ng Kabanatang sulo sa ika-75 years nito! galing talaga...Para kay Hesus ang lahat ng ito...Shalom!

Saturday, September 6, 2008

Red Crosser

sobrang saya mag-training sa red cross QC Chapter...kahapon yung last day namin at ngkaroon kami ng MCI...meaning parang isang disaster ang nagyari at siyempre ililigtas namin mga tao...isa ako sa naging first aider...ang trabaho ko lang ay siyempre bigyan ng first aid ang mga victims...ayun...dami dugo at ang kukulit ng mga bystanders...after ng simulation ay nagkaroon kami ng buddle fight at first time ko nagawa yun...then a mini graduation kung saan binigay samin ang aming certificate of attendance sa first aid...next time na daw ibibigay yung sa BLS at pati mga lisensya namin....ayus!! may madadagdag na ako sa Resume ko...sobrang enjoy talaga...nag-iisip nga ako kung magvvolunteer din ako sa Red cross...kac mukhang magandang experience yun at madami din sila ituturo sa akin...well saka ko na muna pag-isipan yun...sa ngayon concentrate pa sa church para sa centennial...^^

Monday, September 1, 2008

First day at Red Cross

finally...my very first nursing related activity na nagawa ko since nung grumaduate ako almost a year ago..haha....nakakamiss din kahit na simpleng first aid training lang ito...medyo narerecall ko lahat ng naging topics nung nstp pa namin at pati yung blood circulation na sobrang kabisado ko lalo na ng mga duty days....medyo hindi lang ako nguumepal dahil sa sobrang dami namin sa classroom...150! yup 150 kami sa isang classroom sa red cross Q.C. chapter at na-late pa kami ni joy dumating kaya sa kasamaang palad ay nasa pinakalikod kami at hirap pa sa upuan dahil sobrang liit ng space...but still enjoy ang lectures at activities nitong first day....grabe puro buhatan pa ang ginawa namin...medyo nakakapagod...im sure mararamdaman din ni joy yun dahil ako binubuhat niya...haha...kulit kasi...may nakilala naman din kami na new friends at im sure bukas mas marami pa ako makikilala dahil magkakaroon kami ng seating arrangement(alphabetical order) so meaning mapupunta ako sa bandang harap...sana...sobrang kulit pa ng mga instructor namin kaya no dull moments...unting antok lang dahil hindi pa sanay gumising ng maaga...ayun na nga....sana sa mga susunod pang araw ay mas maging masaya at madami akong matutunan ulit...madami na din kasi ako nakalimutan at kinakalawang na talaga ang mga nursing terms ko...hehe....Truly God is great dahil binigay niya sa akin ang araw na ito na punong puno ng pagpapala at saya....Shalom!