
last week pa lang ay nagkayayaan ang mag-pipinsan na mag-skating sa MOA...hanggang pati ang ibang churhmates namin ay inaya na din namin...at kanina lang ay nasakatuparan ang lakad na ito...sobrang saya pala mag-skating...1st time ko kanina at sobrang natuwa ako ng matuto ako...1st hour ko sa rink ay medyo hirap na hirap ako gumalaw pero after ng mga ilang oras...naging madali na para sa akin gumalaw at magliwaliw sa buong skating rink...astig talaga...hindi pa ako bumagsak kahit isang beses sa 4 na oras naming pag-sskating...hehe...masakit nga lang sa paa at medyo mabaho yung skating shoes...hehe...(hindi naman amoy paa...amoy hindi natuyong sapatos lang)...natutuwa ako sa experience na ito dahil bukod sa minsan lang ito eh may bago na akong skill na alam...ang pag-iiskating!hehe...Shalom!